Sunday, May 13, 2018

Walang Label (Spoken Poetry)



Walang Label (Spoken Poetry)
by: Jan V.


Mahal kita ngunit mahal mo rin kaya ako?
O ang tanong na, nahulog na ako sayo,
sasaluhin mo rin kaya ako?
Marahil pagod na ang aking isipan sa tanong na paulit ulit na gumugulo dahil sa tanong na walang kasagutan.

Naguguluhan,Napapagod, Nagmahal.
Mga iisang salita ngunit kay hirap unawain na diyos lang ang may alam.
Madalas nga kitang kasama ngunit iba ang iyong pinaglalaanan.
Nariyan ka nga sa tabi ng mga oras noon ngunit ang isipan mo ay nakalaan sa iyong libangan.

Nagagalak pa ako na malayo ka sapagkat ako'y may oras na ika'y makausap.
Mga boses mo na kay sarap pakinggan na tila ba na musika na nangungusap.
Mga panahon na kasama kita na pakiramdam ko'y wala ka pero ngayon ay napunan.

Ano nga ba ako sayo?
Alam kong pinaasa man kita sa aking pinangako sa materyal na hinihiling mo.
Hindi ko lang maintindihan bakit na kahit na pilit kung pinauunawa ngunit tila ba na ang bigat ng kasalan ko.
Nang dahil lang ba dun ay nagkulang na ako sayo?

Wala ngang tayo pero parang ako'y sinasakal mo.
Wala nga akong pinanghahawakan at napapagod na rin kaya ako.
Alam naman natin na satin dalawa ay ikaw ang walang wala.
Ligawan man kita sa araw araw pero parang ang utak at puso ko ay nais sumuko na.

Tinanong kita kung ako ay may pag asa ba ngunit ang puso ko ay may sumisigaw na tama na.
Tama na ang ang pagpapanggap na isang araw ako'y sasaya sa piling niya.
Bitaw na. Bitaw na dahil nasasaktan ka na.
Wala na ang pangarap ko na ika'y magiging akin ka.
Sobra na ang saktan mo ang sarili na hindi lahat magiging sayo at kahit ginusto pa.

Nagmahal ka nga ba ng maling tao o umaasa lang ako na may magiging tayo?
Salitang kay sarap pakinggan pero maaring maging dahilan ng sakit kahit kaninuman.
Hanggang saan ka dadalhin ng pagmamahal na yan.
Kung ang puso mo ay mawawasak ng dahil lang diyan.


Naguguluhan, Napapagod, Nagmahal.
Tatlong salita na unting unting nauunawaan.

Sana ay masagot na ang puso kong nasusugatan.

Masaya (Spoken Poetry)




Masaya (Spoken Poetry)

by: Jan V.


Masaya, ang unang salita kay gandang pakinggan ngunit may takot na nangingibabaw.
Mga bawat sandali na kasama mo siya, nangangamba na isang araw ay maglaho ka na lang ng parang bula.

Masaya ka nga ba?
mga tanong na gumugulo sa isipan at mga sagot na ikaw ay naguguluhan..

Malabong sagot sa malinaw na tanong.
sa kabila ng saya ay may darating na bagyo na ibubulong sayo na lahat ng iyan ay may hangganan.

Oo, may katapusan.
Alam ko kahit paulit ulit mo man sabihin yan pero hindi mo alam hanggang kailan.
Mga oras na ninanamnam sa takot na ito'y maging panandalian lamang.
Mga oras na ginugugol makasama ka lang.

Natanong ko nga nung minsan sa tuwing naaalala ko ang nakaraan.
Saan nga ba ako nagkulang?
Kailan, kailan nga ba ako nagkulang?
Minahal mo nga ba aq o gusto mo lang ako noong na ako'y saktan.

Di mo mawari na ako ay nagmahal ng ibang tao pero iniwan mo ang sarili mo sa tabi ng mga hinanakit at pait ng nagdaan.
Marahil pagod ka na sa mga pangyayari subalit alam mong mga bagay na ito ay lilipas din sa takdang panahon.

Nangangarap na ika'y iba sa nakaraan.
Nangangako sa sarili na ikaw lang ang tanging laman ng puso at isipan.
Magbago man ang lahat, mananatili pa rin ang tapat na puso ko ipangako ko man sa maykapal.

Yakap nanaman kita.
Mga labi ko na may gustong sabihin sa mga mata mong may lungkot at pighati na di mawari.
Ngunit sa isip ko na sa yakap ko na lang mas gusto na iparating ng puso kong baliw sa mga nangyayari.

Ang Simula (Spoken Poetry)






Bobert (Spoken Poetry)
by: Jan V.

Bobert, ang salitang pangalan ng tao ngunit ang lugar ng una niyo sanang pagkikita.
Ang araw na unang makikilala ang taong di mo alam ang takbo ng isipan.
ang simula ng gabi na kita'y masisilayan.


Ang sang tulad mo na takot na ika'y lisanin pagkalipas ng isang gabi na unang niyong pagkakilala sa kabila ng karanasan mo sa nakaraan.
Takot, oo, yan ang unang tumatak sa isip mo na baka ako'y iyong iwan..
Ang salitang gumugulo sa iyong isipan ngunit ang puso mo pa rin ang iyong sinusundan.


Ang kagustuhan na makilala ang taong magpapakita na ikaw ay may halaga
Unang pagkikita na may lungkot at sayang nadarama.
Mga boses niyo na nagkakahiyaan at takot sa salitang bibitawan.
Nangangamba na ika'y magbago sa oras na ako'y magsalita ng masama.
Mga matang nakikita na alam mong may bigat na dinadala.


Ang boses mo na sa tuwing naririnig mo na para bang musika.
Ang mga salitang magaspang na tila bang nagiging kanta na masaya.


Nag gagabi na at tila ba na gusto kong yakapin ka.
May takot na magalit ka sa oras na iparamdam ko na ako'y nalulungkot sa iyong pinagdadaanan.

Nangangamba na isipin mo na ako ay tulad ng iba masunod lang ang kanilang kagustuhan.